- Lyrics
- Album list
- Singer Intro
JIMMY BONDOC
-
Kaharian
Habambuhay ka nang hinihintay Ng puso kong hindi mapalagay Habambuhay ka nang hinanap Pangarap sa mundong mapagpanggap At kung ialok sa 'yo ang puso kong Bihirang magmahal Tatanggapin mo ba o tatanggihan mo ba H'wag mo sana 'kong iwanan sa pag—aalinlangan
Buong puso ko nang inaalay Ang sari-sari kong mga kulay Buong puso ko nang hinaharap Ang pagsuyo kong walang kasing ganap At kung ika'y pilay gamitin mo akong saklay Na aalalalayan ka Aakbayan kita Pagbigyan mo ang pusong nabighani sa 'yong ganda
Refrain: Sinumpa ko sa sariling Hinding-hindi manliligaw Find more lyrics at ※ Mojim.com Kahit na sino mang prinsesa Mundo man ay magunaw Ngunit ikaw ang reyna ng aking panagimpan Maari bang hiranging hari ng iyong Kaharian
(Instrumental)
Panalangin ko sa gabi-gabi Puso mo't puso ko'y magkatabi Panalangin ko sa araw-araw Mula sa 'ki'y hindi ka maagaw At kapag ika'y mahulog Sa 'kin dumulog Sasaluhin kita Kakandungin ka pa 'Wag mo nang iwasang tayo'y para sa isa't-isa
(Repeat Refrain)
-
|